Dati ay nasaktan na
Ayoko na sanang lumuha pa
Nag-iisip, nagtataka,
Sa'kin kaya ay darating ka pa
Nagtatanong ako kailan kaya
Marahil ay nariyan ka lang
Sa'king tabi ngunit di ko alam
Sana nga'y malapit ka
Pagkat ako ngayo'y laging umaasa
Balang araw di na mag-iisa

Chorus:
Kailan ka darating sa buhay kong ito?
Kailan mapapawi itong aking lungkot
Ang puso ko'y naghihintay sa'yo

Nasa'n ka o giliw ko?
Ako'y nangungulila sa 'yo
Kay tagal ng 'yong pagdating,
Sa Diyos ako'y laging humihiling
Nagdarasal sana ay dumating
Ano'ng kinakailangan kong gawin
(Repeat Chorus)
Anong kailangan kong gawin
Upang ika'y maging akin
Nasa'n ka na
(Repeat Chorus)

Salamat sa friend ko!!!!^^
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kailan Ka Darating Lyrics

Wency Cornejo – Kailan Ka Darating Lyrics