Bakit ba pilit mong sinisiksik
Sa kanya ang iyong pag-ibig
'Di ka naman niya makuhang mahalin
Pinahihirapan mo lang ang iyong sarili

Nandito naman ako
Handang umibig sa 'yo
Buksan mo lang para sa 'kin
Ang iyong puso

Dahil hindi siya kung 'di ako
Ang tunay na nagmamahal sa iyo
Buksan mo sana ang 'yong mga mata
At harapin ang totoo
Hindi ka niya mahal
Kahit ano pa ang gawin mo

Hindi siya kung 'di ako
Ang sa 'yo'y handang umibig ng lubos
Sana'y subukan mong ituon sa 'kin
Ang iyong pagtingin
Hindi ka magsisisi
Dahil wagas kitang mamahalin

Kaya kong ibigin ka
Higit pa sa pag-ibig mong laan sa kanya
Kung sana tayong dalawa ay kay saya
Kailangan bang pahirapan natin ang isa't-isa

Nandito naman ako
Handang umibig sa 'yo
Buksan mo lang para sa 'kin
Ang iyong puso

Dahil hindi siya kung 'di ako
Ang tunay na nagmamahal sa iyo
Buksan mo sana ang 'yong mga mata
At harapin ang totoo
Hindi ka niya mahal
Kahit ano pa ang gawin mo

Hindi siya kung 'di ako
Ang sa 'yo'y handang umibig ng lubos
Sana'y subukan mong ituon sa 'kin
Ang iyong pagtingin
Hindi ka magsisisi
Dahil wagas kitang mamahalin

Wagas kitang mamahalin...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hindi Siya Kundi Ako Lyrics

Vice Ganda – Hindi Siya Kundi Ako Lyrics