Amboy:
Teka muna binibini ko, alam mo na ba?
Nung hindi ka nakikita, ako'y napatingala
Sabay sabi sa sarili, "sinta ko nasa'n ka na?"
At 'pag nakita na kita, hahal'kan ka prinsesa
Lalakbayin ang korea, timog hanggang hilaga
At sana, pakinggan mo rin naman aking talata
Na nagsasabi sa iyo, 'di ka kayang iwanan
Pa'no ko gagawin yan? Eh isa yung kasalanan
Hindi ba't sala kung sabihin kong [sabihin kong]
Hindi kita mahal sinta ng pabulong [ng pabulong]
Eh ikaw ang tumulong para muli 'kong tumayo
Ikaw ang anghel na sa disgrasya sa 'kin naglayo

Missy[Chorus]:
Ikaw lang sa puso nakatatak 'di magbabago
Ano man mangyari ikaw pa rin baby ko, whoh
Lahat-lahat ibibigay sa iyo
Angel of mine

Kagee:
Oh anghel ko, mahal na talaga kita
Siguro, sinasabi mo puros lang ako salita
Pero hindi, maniwala ka, seryoso ako, hindi 'to bola
Ang kailangan mo lang gawin ay makinig at magtiwala
Kapag nakikita kitang nakatingin sa akin
Nag-iiba tibok ng puso ko at damdamin
Ngayon alam ko na, totoo pala'ng sabi nila
Na ang pinakamagandang bagay ay, libre pala
Totoo pala 'yon, at alam ko na ngayon
Kaya, promise ko ikaw lang, sure na sure na 'yon
Umaasa akong ako rin, ang laman ng iyong puso
Pasensya na, [talaga] kung itong mga lines ko di na uso [ha]

Missy[Chorus]:
Ikaw lang sa puso nakatatak 'di magbabago
Ano man mangyari ikaw pa rin baby ko, whoh
Lahat-lahat ibibigay sa iyo
Angel of mine

Madd twist:
Baby, marami pa 'ko sa'yong 'di nasabi
Yung mga bagay na 'di lang basta mula sa labi
Bagay na gusto ko sana sa'yo na ipaalam
Hindi binibigkas 'to eh, kundi pinaparamdam
At kung idi-define ito, no words can express
How much I love you baby, iba kasi ang madd twist
Ano mang maging pagsubok sabay nating labanan
Mahal kita tanong mo man si ken at malabanan
At kahit pa kadalasan, ako'y iyong napupuna
At least sa puso kong ito ikaw naman ang nauna
Ikaw ang baby ko, ang honey ko, my one and only mine
I'm yours forever 'coz you're my angel of mine
Basta iyo lang pagkatiwalaan ang kagaya ko
Kase kapag ako ang nagmahal, hindi madaya 'to
Kaya pakinggan mo sinta, ang simpleng harana
Kung may papasok mang iba, ang puso ko'y sara na

Missy[Chorus]:
Ikaw lang sa puso nakatatak 'di magbabago
Ano man mangyari ikaw pa rin baby ko, whoh
Lahat-lahat ibibigay sa iyo
Angel of mine

Ikaw lang talaga'ng angel of mine
Magpakailanman, ikaw lang ang mahal
Oh whooh... Angel [angel] angel...
Angel of whoh...
Angel of mine...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Angel Of Mine Lyrics

Tulang Liriko – Angel Of Mine Lyrics

More Tulang Liriko lyrics