Verse I
Naalala, tayo'y magkasama
Ika'y kapiling o anong saya
Di maunawaan, kung bakit lumisan
Nahihirapang tanggapin wala ka na

Refrain
Ngunit ramdam ko nariyan ka
Nararamdaman ko di ka naman nawala

Chorus
Alam kong nariyan ka lang aking mahal
Di ko inakala na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko aking mahal
Alam kong naririto at
Ika'y makakasama magpakainlanman

Verse ii
Sana'y sinabi, ang di ko nasabi
At Sana'y nagawa ko, lahat ng di ko nagawa
Para mapakita, sayo ng lubusan
Na sa aking buhay, ikaw ay mahalaga

Refrain ii
Ngayon ay wala ng paraan
Para ika'y makayakap at muling mahalikan

Chorus ii
Alam kong nariyan ka lang aking mahal
Di ko inasahan na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko aking mahal
Alam kong naririto at
Ika'y makakasama magpakainlanman

Bridge
Lagi-lagi kong pinagdarasal
Na sana'y pagbigyan ng Maykapal
Na muli kang makausap, kahit sandali lang
Para magpasalamat at masabing minamahal kita
Patawarin mo sana

Repeat Chorus ii...

Repeat Chorus ii except last two line

Ay naalala ko na
Ang pagmamahal mong totoo.
Tulad ng pagmamahal sa 'yo
Ay Hinding-hindi maglalaho
Magpakainlanman
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Magpakailanman Lyrics

Top Suzara – Magpakailanman Lyrics