Chorus:
Kay sarap balikan ang
Nakaraan, habang umiinom
Ng kape't umuulan
Kay sarap balikan ang
Dating tagpuan,
Habang hinahanap ang
Init ng nakaraan
Verse 1:
Habang nakadungaw sa bintana
Pinagmamasdan ang mga bata
Pre Chorus:
Walang kasing saya
Walang kasing laya
Walang kasing tamis
Ang ngiti nila
Repeat Chorus
Verse 2
Natagpuan dating liham
Mo para sa akin
Kay saya ng mga araw natin
Pre Chorus
Kay lambing
Oh giliw
Repeat Chorus
Bridge
Ang hangin na kay lamig
Ako'y dinadala sa nakaraan natin
Ang 'yong himig ng 'yong tinig
Ako'y dinadala sa iyong mga bisig
Repeat Chorus