Mag mula ng makilala kita
Buong paligid ko ngayon ay kay ganda
Tumitibok-tibok pati ang dibdib
Sa tuwing ikaw ang s'yang naiisip

Pag ikaw na ang kapiling ko
Pinagpapawisan na ako
'Di malaman ang gagawin
'Di alam ang sasabihin

Nahihiya sa'yo
'Di masabi ang nais ko
Na ika'y gusto
O paano na kaya ito?

Ibang-iba na nga itong aking nadarama
Ngunit pag nariyan ka ako ay umuurong na
Ano ang gagawin ko?
Nahihiya sa iyo

Kung kaya nananaginip na lang
Na nasa piling ka, ika'y hinahagkan
Bumubulong, naghahabulan
O kay sarap sana kung totoo lamang

Ngunit mga pangarap lang ito
Ng isang nagmamahal sa'yo
Kaylan ma'y 'di magkakatotoo
Kaylan ma'y 'di iibigin mo

Nahihiya sa'yo
'Di masabi ang nais ko
Na ika'y gusto
O paano na kaya ito?

Ibang-iba na nga itong aking nadarama
Ngunit pag nariyan ka ako ay umuurong na
Ano ang gagawin ko?
Nahihiya sa iyo

Nahihiya sa'yo
'Di masabi ang nais ko
Na ika'y gusto
O paano na kaya ito?

Fade
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nahihiya Sa Iyo Lyrics

Tenten Muñoz – Nahihiya Sa Iyo Lyrics