Kahit na wala ng pahiwatig,
Hinding-hindi na rin nasasabik
Kahit bumuhos man ang ulan ng kasalanan
Pikit mata'y walang naririnig

Sa mga oras na tulog si haring araw,
May mga kulog paring sumisigaw.
Humihiling sila, na sana'y pakinggan,
Subalit 'di na mababago ang lahat

CHORUS:
Hinding-hindi kita pipilitin,
Hinding-hindi kita iisipin,
'Di bale nang sa buhay ko'y ika'y mawala,
'Di bale ng maghihintay sa wala
Hinding-hindi kita susuyuin at baka masanay ka at lagi mong uulitin

Kung mahuhulog man ang buwan sa gitnang silangan,
May magugulat ba sa nasaksihan
Patay malisya lang at di na nakikita,
Ngunit ang lahat ay may hangganan din

CHORUS:
Hinding-hindi kita pipilitin,
Hinding-hindi kita iisipin,
'Di bale nang sa buhay ko'y ika'y mawala,
'Di bale ng maghihintay sa wala
Hinding-hindi kita susuyuin
At baka masanay ka at lagi mong uulitin

BRIDGE:
Bago ang lahat, hindi nababakas
Sa kwento na hindi nagwawakas.
Lahat ng ito hindi nagbabago,
Sa kwento na plaging ganito.

LAST CHORUS:
Hinding-hindi kita hahabulin
Hinding hindi kita aamuhin
At baka masanay ka at lagi mong uulitin (3x)...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nawili Lyrics

Tanakuta – Nawili Lyrics