Verse

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Tapos na ang paghihintay nandito ka na't
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatanda

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Chorus

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala

Interlude

Verse

Nagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hiniling kundi ika'y pagmasdan
Mundo ko'y 'yong niyanig
Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin

Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig

Chorus

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala

Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay (2x)

Interlude

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

Chorus

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala

Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan
Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala

Panatag ang kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay (2x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kay Tagal Kang Hinintay Lyrics