Pasensya ka na
Alam mong kay hirap isipin
Ngunit sige na nga
Alam mong kay hirap pigilin
Ilan beses ng sinabi
Ngunit wala pa ring nangyari
Wag na lang kaya

Kailan lang ba
Yung huling text mo sa akin
Ang sabi mo pa
Kahit kailan di mo lilimutin
Syempre naman ilang taon din iyon
Ilan beses binasted sanay na ko dun
Ngunit ngayon

Heto na naman di baleng masaktan panandalian lang naman
Sa aking pag-idlip sa luha'y papalit
Ligaya na dulot ng panaginip

Tara na...
Minsan pa'y dinggin aking tinig
Kahit na...
Ilang beses na itong narinig
Di naman ako umaasa
Ok lang kung ayaw mo talaga
Pero Malay mo, Malay mo..
Tayo ngang dalawa

Pwede ka bang
Makausap makasama
Sa bilog ng buwan
Sa ilalim ng mga tala
Masdan ang ningning ng bitwin na kay lambing
Sa gitna ng Dilim na nangaakit at kay rikit
Ohh...

Heto na naman di baleng masaktan panandalian lang naman
Sa akin pag-idlip sa luha'y papalit
Ligaya na dulot ng panaginip

Tara na...
Minsan pa'y dinggin aking tinig
Kahit na...
Ilang beses na itong narinig
Di naman ako umaasa
Ok lang kung ayaw mo talaga
Pero Malay mo, Malay mo..
Tayo ngang dalawa

Tara na...
Minsan pa'y dinggin aking tinig
Kahit na...
Ilang beses na itong narinig
Di naman ako umaasa
Ok lang kung ayaw mo talaga
Pero Malay mo, Malay mo..
Tayo ngang dalawa
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Malay Mo Lyrics

Southwind – Malay Mo Lyrics