Ang sabi ng nanay kamukha raw kita
Meron daw ugaling ikaw na ikaw
Ni sa king panaginip di ka man lang nasilip
Wala na yatang pag-asang makikilala ka pa

Ang sabi ng lola'y kalimutan ka na
Wala raw mabuting dinulot kay inay
Mula nung lumisan di ka man lang nagiwan
Kahit konting pag-asang makikita ka pa

Nahan ka? Nahan ka?
Aking ama, nahan ka?
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka? Nahan ka?

Instrumental

Ang payo sa'kin ng isang kaibigan
Ituring ka ng naglahong tuluyan
Ngunit heto pa rin at laging dumadalangin
Isang araw ay gugulatin
Ng iyong pagbalik

Nahan ka? Nahan ka?
Aking ama, nahan ka?
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka? Nahan ka?
Nahan Ka?

Nahan ka? Nahan ka?
Aking ama, nahan ka?
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka? Nahan ka?
Nahan nahan... Nahan ka?
Nahan ka...

Tay nasan ka na ba?
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nahan Ka? Lyrics

Smokey Mountain – Nahan Ka? Lyrics