Marami pa tayong daraanan
Kahit di natin tiyak ang patutunguhan
Marami pa tayong malalaman
At sa huli ating pagsisisihan

[Refrain]

Nadapa ka na ba sa maraming tao?
At tumigil na ang ikot ng yong mundo
Bumangon ka pero pikit ang mga mata
Napahiya dahil sila'y natatawa

[Chorus]

Kailangan din natin ang lumaban
Sa sarili rin nating kasalanan
Kailangan din ang unawa sa
Mga mali rin nating nagagawa

[repeat Refrain]

May pagbabago kahit pinagugulo sila lang ba ang tao?
May pagbabago di rin magtatagal sila pa ang hangal

[repeat Chorus]

Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

May Pagbabago Lyrics