Bakas sa akin isipan ang bisyong pinasukan
Hindi ko maliwanagan akoy nalalabuan
Mantia sa katauhan ligayang maiwasan
Habang tumatagal lalong sasabayan

Tulay
Nais mang bumaba tuloy-tuloy pa rin
Nais mang pigilan hayaan ng hanapin
Saan 'to patutungo daang bako-bako
Ayoko ng ganito biyaheng impiyerno

Chorus
Mama para dyan lang sa tabi
Dyan lang sa tabi ngunit bakit di ko masabi
Bakit di ko masabi na ako ay bababa
Ako ay bababa pag bumaba na ang aking tama

Repeat Chorus

Mula ng mag kaisip ay aking ini-isip
Kung ba't ang nangyayari di ko lubos maisip
Hindi ko malama kung ito ay panaginip
Gusingin nyo ako sino ang sasagip

Repeat Chorus

Mga laking kalye istambay sa gabi
Mga walang trabaho walang gawang mabuti
Siksikan na kami tuloy pa rin ang biyahe
Suko na ko dito bayad na 'ko pare

Chorus 3x
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Beyahing Impyerno Lyrics