Mukhang hindi mo na siya nalilimutan
Tila dala mo pa bunga ng kanyang paglisan
At makikita sa mata
Ang pagka-wala ng sigla

Mukhang pinipilit mo lang ang ngumiti
Na 'di naman nababakas sa 'yong labi
At di ko na napupuna
Ang binibitawan mong tawa

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa 'tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa'yo

Mukhang nakakulong ka na sa ala-ala
Palayain mo't ibuhos ang nadarama
At pagkatapos ng lahat
Wala na sa dibdib mo ang bigat

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa 'tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa'yo

Naghihintay sa'yo
Hayaan mo na lang (ang pagpatak ng luha)
Tulad ng ulan (na dulot sa 'tin ay baha)
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa 'yo
Naghihintay sa 'yo
Balang araw
Mail  |  Print  |  Vote

Balang Araw Lyrics

Siakol – Balang Araw Lyrics