Saang sulok ng langit ko matatagpuan
Kapalarang 'di natitikman
Sa pangarap lang namasdan
Isang lingon sa langit at isang ngiting wagas
May talang kikislap, gabay patungo sa tamang landas

[Chorus:]
Unti-unting mararating kalangitan at bituin
Unti-unting kinabukasan ko'y magniningning
Hawak ngayo'y tibay ng damdamin
Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin

Ilang sulok ng lupa, may kubling nalulumbay ?
Mga sanay sa isang kahig, isang tukang pamumuhay
Isang lingon sa langit, nais magbagong-buhay
Sa ating mga palad nakasalalay ang ating bukas

[Repeat Chorus]

Bukas naman sa aking paggising
Kapiling ko'y pangarap na bituin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pangarap Na Bituin Lyrics

Sarah Geronimo – Pangarap Na Bituin Lyrics