Amoy usok, amoy pawis
Mga aleng nagwawalis
Pitong batang nanglilimos
Kulang pa sa hilamos

Siguradong ang karakas
Itataya lang sa malas
Pag napagod at namalat
Boy bawang ang katapat
Lahat nagmamadali

Traffic na sa expressway
Nagpapahangin sa boulevard
Sunset sa manila bay
Mama-manila mama-manila
Mama-manila mama-nila
Para-para-para-para boss

D'yan lang sa tabi
Gigimik lang ako sa malate...

Amoy usok, amoy pawis
Jeepney driver nang-iinis
Ayaw sumali sa pila
Siningitan ang kalesa

Sa may kanto tatlong pulis
Nagmemeryeda ng mais
Kung ang tindera'y maganda
'Wag ka nang magtataka
Lahat nagmamadali

Traffic na sa expressway
Nagpapahangin sa boulevard
Sunset sa manila bay
Mama-manila mama-manila
Mama-manila mama-nila
Para-para-para-para boss

Take it to the quiapo bridge

Tatlong milyong kaluluwa
Naghahanap ng ginhawa
Laksa-laksang tinig
Di nawawalan ng pag-asa
Tatlong milyong kaluluwa
Naghahanap ng ginhawa
Laksa-laksang tinig
Di nawawalan ng pag-asa
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Manila Lyrics

Sandwich – Manila Lyrics