[Verse:]
Buhat nang ika’y lumisan
Na walang may batid
Puso ko’y nalipasan
Sa paghihintay na ika’y magbalik

[Chorus:]
Nasa’n ka?
Nasa’n ka?

[Verse 2:]
Mga luha at kahapo’y
Tila nawalan ng saysay
Sapagkat naglaho kang
Ni hindi man lang nagpaalam

[Chorus:]
Nasa’n ka?
Nasa’n ka?

[Verse 3:]
Nariyan ka lang pala
Mga mata’y nakapikit
Mapayapang nakaidlip
Sa anino ng katarungan

[Chorus:]
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Anino Ng Katarungan Lyrics

Sam Joel Nang – Anino Ng Katarungan Lyrics