Mahal na kita nung una kong makita
Liligawan ka kahit na masaktan pa
Basta't ako sayo'y maghihintay pa rin
Ikaw lamang ang tanging mamahalin
You are mah lady and am ur man
Lahat ng iyong naisin aking pagbibigyan
You gave me a reason, for mah feeling
Kung kasama ka gurl, walang mahihiling
Ur d lucky one, ikaw ang makauna sakin
Wag mangangamba, di kita pipilitin
Parang love team ni baste at sarah,
Ako ang prinsipe at ikaw ang prinsesa
Pwede ring sabihin na pretty and the ugly,
Xmpre, ikaw ang pretty, ako ang ugly,
Please miss, pahingi ng kiss
Para charlie mack, lageh kang mamiss

[Chorus:]
Ang romansa espesyal, sayo inaalay
Makulay na makulay at tunay
Pangako ko, di magbabago
Pag-ibig na taos sa puso ko (2x)

Ang romansa espesyal ang iaalay ko sayo
Kahit ano bilin mo ko lahat gagawin ko para lng sa yo
Ang pag-ibig ko sayo totoo at sana dinggin mo
Hindi ako nagbibiro
Ang lahat ng gusto mo ibibigay ko sayo
Baby ko, don't go..
Just stay with me and our love will grow
Iba ang iyong halimuyak at ganda, kakaiba
Kaya si mad killa sayo na inlove na
Willing ako sa iyo girl na maging iyong bodyguard
Kahit anong trouble di ako maka-coward
Over mah dead body baby, baby
Ganun katindi pagmamahal ko sayo lady
Lahat ng kalokohan at pambababae ko
Tinanggal ko ikaw ang nagpatino
Simula ng dumating ka sa buhay ko
Kaya ang aking dasal, sana sa iyo ikasal
Baby ko, koh... I will treat you super special..

[Repeat chorus twice]

Pag-ibig kong nais imulat
Sa puso ko nagbuhat
Wala ng katapat, sa pagtatapat
Kalinisan ang hangarin nais sa iyo ihain
Tibok ka ng damdamin, dala-dala ng hangin
Sibat, ako'y harangan, tinik man ay maapakan
Tapat ng intensyon, nais kong mapatunayan
Ituturing kang dyamante, ako'y iyong amante
Langit ka sa piling ko, mapaaraw o gabi
Hinihiyaw, sinisigaw, ng puso ko'y ikaw
Pangako sa sarili, sayo di aayaw
Aalalayan kita sa pag-akyat ng hagdan
Simple mong mga pangarap, bibigyan ng katuparan
Iingatan kita, aalagaan kita
Mawala man sa mundo, una't huli ka sinta
Pag-ibig ko ay ganito, ganyan kita kamahal
Inaalay sa iyo ang pang-romansang espesyal

[Repeat chorus until fade]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pang Romansa Espesyal Lyrics

Salbakuta – Pang Romansa Espesyal Lyrics