Nang aking obserbahan ang matagal ng relasyon,
Mukhang di na gumaganda patungo nating direksyon.
At ang kumunikasyon nating dalawa'y parang wala na,
Tanung ko saiyo "Tayo Pa Ba?" parang wala na.
Kaya pinilit kong baguhin ang ugali ko ngaun,

Kasi baka ito ang dahilan kung kaya nagka ganun.
Kapag kinakausap ka mata mo'y lumilihis
Nababagot kaba kaya ang ginawa ay umalis
At ako'y tinalikuran at iniwan mo nalang bigla,

Ang puso ko'y namantyahan parang tinapunan ng tinta
At ang puso mo'y aking unti-unting naramdaman
Lumalayo na nga ito sa puso ko, bakit ganyan?
At parang naglaho ng pangako mong para sa akin,
Na ikaw lang at ako walang hanggan hanggang palarin.
Kahit na anu ang dahilan aking tatanggapin,
Sana naman aking mahal wag mo naman akong isnabin.

Chorus:

Mahal, Tayo pa ba? Bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba.
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau Mahal Ko.

Yan ang lagi kong tanong sa isip kung Tayo pa ba?
Kasi hindi mo na pinapansin ang bawat kataga
Saking paglapit at paghawak ng iyong mga kamay,
Hindi ko narin madama kahit ni yakap mo't akbay.

Sumasabay ako sa lakad mo kahit na masaklap,
Sa damdamin ko ang lumayo nga di ko matanggap,
Sa harap mo nagtanung, kung anu ang pagkukulang?
Nagmumukhang Tanga, ngunit sayo parang wala lang!

Ang lahat ng sinasabi ko tagos sa tenga mo,
Baliwala lahat sayo kapag ika'y nagtatampo.
Na para bang buhat ko ang mundo kapag nka ngiwi
Na ang nguso mo walang halik kapag umuuwi,

Sa tahanan nyo na tanging ito lang ang koneksyon,
Lumalabo na parang walang antenang relasyon,
Hanggang ngaun lumalamang lagi sakin ang kaba,
Bumubuno sa isip ko tanging tanong, Tayo pa ba?

Chorus:

Mahal, Tayo pa ba? Bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba.
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau Mahal Ko.

Sa dami nang pinagdaanan kong matitinding pagsubok,
Ay sayo ko naranasang maglaho na parang uso,
Mga ala-alang kay saya tinakpan sa isipan ng tampo.
Anung nagawa kong kasalanan, bakit naisipang gawin ang ganito
Mahal lang kita, ang tanong ko lang, Kung ako ay mahal mo pa ba?

Dahil masakit para sa akin ang alam ko tayo, pero parang wala!
Ng relasyon, na naguugnay, prang di na magkasintahan.
Dahil sa tuwing makasalubong ka, ako'y biglang iniiwasan.
Pano ko bang nagagawang sayo ay magpaka Tanga,
Kahit alam ko na mahal sakin lumalayo kana.

Bakit? Di mo nalang sabihin sakin kung anu ang ayaw mo,
Upang di kana mahirapan para saktan lang ako,
Mahal mukhang wala na nga parang malabo nang lahat.
Sana sa awit ko'ng ito makuha mo nang ipagtapat.

Pagkat hindi ko pa alam, kung mawala ay kaya nga ba,
Akin lang itatanong sayo, Mahal Tayo pa nga ba?

Chorus:

Mahal, Tayo pa ba? Bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba.
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin lahat, basta't para sau
(Oh kahit nasasaktan ang puso kong ito)

Mahal, Tayo pa ba? Bakit di ko madama?
Na ako'y iyong mahal at wala na ngang iba.
Ako lang ba sa puso mo?
Ang tanging iniisip mo?
Sana'y malaman, gagawin ko ang lahat, titiisin lahat,
Para sau... Mahal ko!...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tayo Pa Ba Lyrics

Saint Rapper – Tayo Pa Ba Lyrics

More Saint Rapper lyrics