Tunay na mahiwaga ang pag-ibig na inalay mo
Nabibighani sa iyong ganda't pagkatao
Ngayong ikaw ay akin,
Ako'y bihag ng ligaya mong hatid

Dahil nang makilala ka'y nagbago ang aking mundo
Naniniwala na ang buhay ko’y para sa 'yo
At sinong magsasabi
Na ika'y hindi laan para sa 'kin?

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan;
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag

Ang pagmamahalan natin ang s'yang yaman ko
Kahit kanino ay ipaglalaban ko ito.
At kahit may humahadlang
'Di mapipigil ang nararamdaman

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan;
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag

Mga mata'y nagniningning
Ikaw ang ligaya, Tanglaw sa umaga
Pagmamahal na kay sigla

Pag-ibig mo'y liwanag na bumabalot
Sa puso kong tila limot na ng panahon
Dahil sa 'yo, ngayo'y nasisilayan;
Tamis ng iyong halik
Ang yakap mong kay init
Ang tunay kong liwanag

Ika'y aking liwanag
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Liwanag Lyrics

Ronnie Liang – Liwanag Lyrics