Darating din ang araw
Na tayo'y tatanda
Babagal ang mga paa
At manlalabo ang mata
Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo

Darating din ang panahon
Na malalagas ang buhok
Balat ay kukulubot
At makukuba ang likod
Hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo

Darating din ang bukas
Na tayo'y kukupas
Ang buhay ay magwawakas
Kasama ang gunita
Ngunit hindi malilimutan ang pagibig ko sayo magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pagibig ko sayo

Habang buhay kitang mamahalin
Habang buhay kitang hihintayin
Habang buhay kitang mamahalin magpakailanman

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso

Panahon ay lilipas din
Mga araw ay daraan
Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso
Ngunit hindi ang pag-ibig ko sayo
Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo Sayo
Mail  |  Print  |  Vote

Magpakailanman Lyrics

Rocksteddy – Magpakailanman Lyrics