Bakit ba ikaw na lang ang iniisip ko?
Bakit ba ako na lang ang nabibihag mo?
Simula noon ako ay nakasulyap sa iyo
Hindi ako mapakali
Gusto ko laging nasa piling mo

Nakatunganga lang ako pag nakikita ka
Ang ganda ng hugis mo, ang pula ng labi mo
Kung bibigyan mo ng pansin ang naiisip ko
Malalaman mo na rin na mahal kita

[Chorus]
Oh, bakit kaya, bakit kaya
Hindi ko masabi na iniibig kita
Pansinin mo naman ang pahiwatig ko sa iyo
Gusto kong tumanda na kasama mo

Ang hina ng loob ko
Hindi ko masabi na ikaw ang iniibig ko.

(Instrumental)

[Chorus]
Bakit kaya, bakit kaya
Hindi ko masabi na iniibig kita
Pansinin mo naman ang pahiwatig ko sa iyo
Gusto kong tumanda na kasama mo

Ang hina ng loob ko
Hindi ko masabi na ikaw ang iniibig ko.

Bakit ba ikaw na lang ang iniisip ko?
Bakit ba ako na lang ang nabibihag mo?
Simula noon ako ay nakasulyap sa iyo
Hindi ako mapakali
Gusto ko laging nasa piling mo

Coda:
Ang hina, ang hina ng loob ko
Nahihiya ako na sabihin sa iyo
Ikaw ang iniibig ko, ikaw ang tunay na mahal ko
[Spoken: Yeah. Sana lumakas naman ang loob ko. Nakakainis!]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bakit Ba Lyrics

RJ Jacinto – Bakit Ba Lyrics