Chorus
Gusto ko sanang makita ka
Kanina pa ako atat sayo
Medyo naiipit lang ako
Sanay maghintay ka lang
Hindi ako mapakali sa aking upuan
Wala na rito ang isip ko nauna na riyan
Malapit na kasi ang uwian
Sa wakas makikita muli kita

Chorus

Patungo na po ako sa sakayan
Wala bang dyip na di puno sasabit na lang
Tama bang bumuhos na lang bigla ang ulan
Syempre lusaw ang enginiring ng buhok

Chorus

Medyo malapit na ko sa eskwela nyo
Sanay matupad ang nais ko
Sa bintana ng dyipning sinasakyan
Sana ay matanaw ka habang wala pa ang iyong sundo

Chorus
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Atat Lyrics

Rivermaya – Atat Lyrics