Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha-cha

Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng el bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

Refrain:
Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo
At boung mag hapon ay tinuturuan mo ako

Chorus:
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay

Naninigas ang aking katawan
Kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng baywang mo
At pungay ng iyong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo ay magka-akbay
At dahan dahan dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso oh...

Refrain 2:
Sana noon pa man
Ay sinabi na sa iyo
At kahit hindi na uso ay
Ito lang ang alam ko

(Repeat chorus)

Lalalalalalalalalalalala

Lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi nasagasaan
Sa madilim na eskinita

Refrain 3:
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

(Repeat chorus)

Lalalalalalalalalalala (2x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Huling El Bimbo Lyrics

Rico J. Puno – Ang Huling El Bimbo Lyrics