Mabuti pa ang kumot mo kasama pag gabi
Mabuti pa ang unan mo kayakap sa tabi
Sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog, wala ng iba

Iyan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo

Mabuti pa ang panyo mo
May dampi sa 'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko 'yan ang naaalala
At sa pagtulog wala ng iba

Yan ba nama'y malilimutan ko pa
Kung maari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo

Pangarap kita
Kahit papaano pa kita isipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin

Mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa aking pag gising 'yan ang naaalala
Tuwing umaga wala ng iba

Yan ba nama'y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang maari mong gawin
Na kumot at unan mo

Kung maari lang naman ikaw na lamang sana
Ang maari mong gawin na kumot at unan mo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kumot At Unan Lyrics