lumalalim na ang gabi, ngunit wala ka sa ‘king tabi
pilit kong nilalabanan ang nakaraan,
ngunit di manalo dahil wala ang pag-ibig mo,
giliw ko kung naririnig mo
ang pagsamo ko sanay pakingan mo

kahit di na tayo sana’y maalala mo,
kahit di na tayo sana’y pakingan mo,
ang tibok ng puso ko ay pangalan mo,

alam kong hindi tama pero walang magagawa
baguhin man ang tadhana sa ‘ting dalawa
limutin ka nga ay hindi ko kaya at hindi ko magawa
giliw ko , mahal ko pakingan mo.
ang tibok ng puso ko ay pangalan mo

kahit di na tayo sana’y maalala mo,
kahit di na tayo sana’y pakingan mo,
ang awiting kong ito na para lang sayo,

at saking pagtulog, ang panaginip ko’y ikaw.
pati saking pag gising , ikaw ang sinisigaw.
at kung tayo’y magbalik, ayaw ko ng bumitaw,
yayakapin ka ,at muling isasayaw.
pagkat ikaw ang gustong makasama buong araw

kahit di na tayo sana’y maalala mo,
kahit di na tayo sana’y pakingan mo,
ang awiting kong ito na para lang sayo

kahit di na tayo sana’y maalala mo,
kahit di na tayo sana’y pakingan mo,
ang awiting kong ito na para lang sayo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kahit Di Na Tayo Lyrics