Narito ang pag-ibig ko
Ibibigay nang buong-buo
Nangangarap nang mag-isa
Umaasa na makapiling ka

Narito ang buhay ko
Nakalaan para sa iyo
Naghihintay ng pag-asa
Na sana ay iyong madama

CHORUS
Langit ka, lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita, mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin

Narito ang awit ko
Ang himig nitong puso
Naglalarawan ng pagsinta
Nagbibigay ng sigla't saya

[Repeat CHORUS]

BRIDGE
Ang pagtingin mo't pagmamahal
Damdaming iingatan nang kay tagal

CHORUS
Langit ka at lupa ako
Hanggang tanaw na lang ba tayo
Mahal kita, mahal mo ba ako
Hanggang pangarap na lang ba ito
Kaya kong gawin ngunit di kayang sabihin
Ang pag-ibig ko sana'y mapansin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pag-ibig Ko Sana'y Mapansin Lyrics