Bakit ba t'wing nakikita kita
Ang puso ko'y bigla ng sumasaya
May ngiti sa aking mga mata
At ang araw ko'y lalong gumaganda

Marinig lang ang tinig mong kay tamis
Puso'y tumitibok na ng kay bilis
Malapitan ka lang
Ako'y nahihibang

Langit na kapag kapiling kita
Langit na kapag kausap kita
Ang damdamin ko'y ibang-iba
Kapag kasama kita, langit na

Minsa nga ay anong lungkot ko
Sa tuwing iba ang s'yang kasama mo
May inggit na may kahalong kaba
Na ako'y ipagpapalit mo sa kanya

Huwag sanang mangyari't ako ay luluha
Pa'no na ang puso kung magdurusa
Di mo pa ba alam
Iniibig kita

Langit na kapag kapiling kita
Langit na kapag kausap kita
Ang damdamin ko'y ibang-iba
Kapag kasama kita

Langit na kapag kapiling kita
Langit na kapag kausap kita
Ang damdamin ko'y ibang-iba
Kapag kasama kita

Langit na kapag kapiling kita
Langit na kapag kausap kita
Ang damdamin ko'y ibang-iba
Kapag kasama kita, langit na
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Langit Na Lyrics

Rachel Alejandro – Langit Na Lyrics