Di alangan sa tukso ng ulan
Ang ihip ng hangin tila nambibitin
Atin nang simulan
Kahit walang mapaglagyan
Bukas ang lansangan
Saan mag-aabang ng araw
Sumama ka na
Wag kang mawawala pagka't
Ngayong gabi puno ng alaala
Sabay nating saluhin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Pipigtas, ililigtas sa mga buwaya
Kasama ka sa 'king bukas(2x)
Kahit ilang daang taon ang lumipas
Hinding-hindi makakahanap
Ng isang katulad ko
( Hindi ka ba nabubulag?)
Hinding-hindi mapapantayan
Walang gulong ang aking palad
Paano nga ba ang lumakad
Buksan mo ang pinto
Naghihintay na ang buong mundo
Sa 'yo
Ano pa ang hahanapin?
Lahat na ay sa akin
Ano pa ang hahanapin?
Lahat ay nasa akin
At kung alangan sa tukso ng ulan
Hindi mapapawi ang init ng labi
Sa bawat hakbang
Sa kaliwa o sa kanan
Lampas sa hangganan
Doon mag-aabang ng araw
Kailangan kita
Wag kang mawawala pagka't
Ngayong gabi puno ng alaala
Sabay nating harapin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Bangon sa hukay
Bigyan ng buhay
Ang pag-ibig na patay
Hukayin, buhayin
Ang pag-ibig natin
Hukayin, buhayin
Ang pag-ibig natin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Monobloc Lyrics

Pupil – Monobloc Lyrics