Sinabi mo sa akin
Na muling maghintay
Lahat ay gagawin
'Wag ka lamang na mawalay
Nangako sa sarili
Na lahat maibibigay
Walang ibang nais
Kung 'di makapiling habang buhay

Bakit ba
Sayang lang, 'di ba

Kung wala ka na
'Di na ako aasa pa sa wala
Kung wala ka na
Mundo ko ay muling magsisimula

Tiwalang nawala
Ako ngayo'y nagdurusa
Pinilit kong isipin
Na hindi sinasadya
Hanggang kailan maghihintay
Hanggang kailan masasaktan
Pwede mo naman
Sabihin kung ayaw mo na

Bakit ba
Sayang lang, 'di ba

Kung wala ka na
'Di na ako aasa pa sa wala
Kung wala ka na
Mundo ko ay muling magsisimula

Buhay sadyang ganyan
Kailangang sumugal
Lahat tayo'y nasasaktan
Buhay sadyang ganyan
Mahirap tanggapin
Ngunit kailangang simulan

Kung wala ka na
'Di na ako aasa pa sa wala

Kung wala ka na
'Di na ako aasa pa sa wala
Kung wala ka na
Mundo ko ay muling magsisimula

Kung wala ka na
Kung wala ka na
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Wala Na Lyrics

Pasimuno – Kung Wala Na Lyrics

More Pasimuno lyrics