Intro: (Bass line)

Stanza 1:
Tatlong araw lang pala
Ako naging maligaya
Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko'y tapos na.

Stanza 2:
Araw ng kalokohan
Aking kinalagakan
Di ko naunawaan
Na ako'y masusugatan.

Stanza 3:
Di ako makapaniwala
At ako'y natulala
Lumulubog, lumalala
Ngunit ba't biglang nawala?

(Repeat stanza 1)

Ad lib: D-A-Bm-G-; (2x)

Stanza 4:
Tatlong araw naging masaya
Isang taong lumuluha
Bakit mo kaya nagawa
Bakit ka hindi naawa?

Stanza 5:
Ngunit kung mapabibigyan
Ang patalim ay hahawakan
Kahit na magmukhang timang
Basta magkabalikan.

(Repeat stanza 1)

Stanza 6:
Tatlong araw lang pala
Di man lang ginawang lima
Di ko man lang napuna
Tatlong araw ko'y tapos na.

Coda:
Tatlong araw, tatlong araw
Tatlong araw, tatlong araw, tatlong araw.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tatlong Araw Lyrics

Parokya Ni Edgar – Tatlong Araw Lyrics