Gusto ko bughaw gusto mo pula at dilaw
Gusto ko kahit kay liit gusto mo ng nakakahigit
Gusto ko bilog gusto mo laging tatsulok
Gusto ko kahit magaspang gusto mo madalas makinang

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo

Gusto ko dalawa gusto mo tatlo apat lima
Gusto kokahitpabulong gusto mo ng dumadagundong
Gusto ko buhangin gusto mo maging bituin
Gusto ko isang basong tubig gusto mo buong daigdig

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo

Gusto kong lumipad
Gusto mong tumakbo't maglakad
Gusto kong matutong lumangoy
Gusto mong maglaro ng apoy

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo

Gusto mo umaraw na naman gusto ko konting liwanag
Gusto mo buong magdamag
Gusto ko dito gusto mo doon sa dulo
Gusto ko ngayon gusto mo nagdaang kahapon

Ayaw mo sa gusto ko, gusto ko sa ayaw mo
Ikaw ay hindi ako ako ay hindi sa iyo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Gusto Lyrics

Pan – Gusto Lyrics