Pinilit kong pigilin ang aking damdamin...
Pagkat ika'y di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayroong ibang minamahal
Habang ako'y sa'ting pagmamahalan lang sumugal

Ang sabi mo ito'y malayo sa katotohanan
Na ang puso mo'y nakalaan para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay wag nang magtiwala
Sigaw nang puso ko'y wag umasa sa maling akala

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan
At halos lahat ay ibigay ko na

Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan ng puso mong gahaman

Ako'y iyong palayain at wag mo ng ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan pa
Wag mo na sanang patagalin
Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran sa iyong mga kagustuhan
At halos lahat ay ibigay ko na
Mail  |  Print  |  Vote

Hindi Ko Na Kayang Masaktan Pa ! Lyrics

Ogie Alcasid – Hindi Ko Na Kayang Masaktan Pa ! Lyrics