Walang ibang isisigaw,
Kundi ang ‘yong pangalan.
Walang ibang mamahalin,
Kundi ang tamis ng iyong ngiti.

Ngunit ngayo’y nasaan ka na?
Pangarap ko’y nilisan mo na,
Nilisan na…

Paano lilimutin
Saya ng kahapon
Na para lang sa ating dalawa?
Paano lilimutin
Init ng pangako
Na para bang Walang Hanggan?

Ngayon ako’y nag-iisa,
Hindi matanaw ang umpisa.
Kaylan kaya matatapos,
Itong hikbi ng mga mata?

Ngunit ngayo’y nasaan ka na?
Biglang sumama ka sa iba,
Iba...

Paano lilimutin
Saya ng kahapon
Na para lang sa ating dalawa?
Paano lilimutin
Init ng pangako
Na para bang Walang Hanggan

Tanging tanong kay tadhana,
Sa daming anghel sa lupa.
Bakit ikaw pa ang nakilala ko…

Paano lilimutin
Saya ng kahapon
Na para lang sa ating dalawa?
Paano lilimutin
Init ng pangako
Na para bang Walang Hanggan

Walang Hanggan…
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Walang Hanggan Lyrics