Verse 1
Puso nya'y nagtatanong kung kailan makakamtan
Kanyang inaasam-asam, tunay na kapayapaan
Sa 'ting bayan
Sa 'ting bayan

Nananabik, naghahangad na kanyang masisilayan
Ang pagsikat ng gintong araw dito sa silangan
Ngunit kailan?
Nungit kailan?

Chorus
Luzviminda, 'wag mangamba
Ang bukas ay may pag-asang dala
Gaano man kadilim nitong gabi
Pagsikat ng araw, ito'y magagapi

Verse 2
May halong dugo ang lupa na kanyang pinagtam'nan
Ng pagkaing inihahahain sa hapagkainan
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Labis-labis ang pag-ibig na inalay kay Juan
Ngunit 'pag tumulo ang luha nga ay tila ulan
Nasasaktan
Nasasaktan

(Repeat chorus)

Bridge
Luzviminda, 'wag nang lumuha
Pawiin na ang lungkot sa 'yong mukha
Lalakbayin natin itong gabi
Ang Dios ay nasa ating tabi

(Instrumental)

(Repeat chorus & end)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Luzviminda Lyrics

Nilo Desalago – Luzviminda Lyrics

More Nilo Desalago lyrics