Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Napinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, Bituing marikit

Lapitan mo ako, halina Bituin!
At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na paggiliw
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bituing Marikit Lyrics

Nicanor Abelardo – Bituing Marikit Lyrics

More Nicanor Abelardo lyrics