Talaga namang nakakabighani, talaga namang nakakagulat
Nakapagtataka, ba't ka nasa isip,
Nakakapanghinayang sana'y maulit...
Talaga namang nakakabigo, talaga namang nakakalungkot,
Kung kailan pang malapit nang mahulog ang loob
Saka ka lumisan sa'king pagtulog...

Panaginip nakakabaliw, nakikita nga, 'di naman natatanaw
Talaga namang hanggang doon na lang,
Ang pag-ibig na sana'y alay sayo'y, talaga namang...
'di na matutuloy...

Talaga namang pinapangarap, talaga namang gusto kang mayakap
Muling mahawakan ang iyong mga kamay,
Kahit na alam kong ito ay 'di tunay
Talaga namang nakakabigo, talaga namang nakakalungkot,
Kung kailan pang malapit nag mahulog ang loob
Saka ka lumisan sa'king pagtulog...

Panaginip nakakabaliw, nakikita nga, 'di naman natatanaw
Talaga namang hanggang doon na lang,
Ang pag-ibig na sana'y alay sayo'y, talaga namang...
'di na matutuloy...

Panaginip nakakabaliw, nakikita nga, 'di naman natatanaw
Talaga namang hanggang doon na lang,
Ang pag-ibig na sana'y alay sayo'y, talaga namang...
'di na matutuloy...
Mail  |  Print  |  Vote

Talaga Naman Lyrics

Mymp – Talaga Naman Lyrics