Lagi mong sinasabi na mahal ako
At nangangako na hindi magbabago
Akala ko'y tapat ang yong hangarin
At ako ay di mo sasaktan
Ngunit bakit may iba ka nang mahal
Matapos mo lahat kunin mga nais mo
Ay hahayaan na umaasa na lang sayo

[CHORUS:]
Sino ba naman ako dyan sa puso mo
Na kaaawaan at dapat na pagbigyan mo
Sino ba naman sayo ang isang tulad ko
Na umibig ng tapat buong puso
At walang kasing wagas

Para mong alipin ang damdamin ko
Walang hindi magagawa kung para lang sayo
Kahit anong iutos mo ay susundin lahat ay aking
Gagawin kung nais mo ganyan ang pag ibig ko
Matapos mo lahat kunin mga nais mo
Ay hahayaan na umaasa na lang sayo

Sino ba naman ako dyan sa puso mo
Na kaaawaan at dapat na pagbigyan mo
Sino ba naman sayo ang isang tulad ko
Na umibig ng tapat buong puso at walang
Kasing wagas at alinlangan
Tanging ikaw ang syang minamahal
Sana nama'y iyong maramdaman

[CHORUS:]
Sino ba naman ako dyan sa puso mo
Na kaaawaan at dapat na pagbigyan mo
Sino ba naman sayo ang isang tulad ko
Na umibig ng tapat buong puso
At walang kasing wagas
Mail  |  Print  |  Vote

Sino Ba Naman Ako Lyrics

Mau Marcelo – Sino Ba Naman Ako Lyrics

More Mau Marcelo lyrics