Pawang kabutihan ang nais mo
Inalay mong pag-ibig ay ganap at husto
Sa landas ng pagbabago
Ako pa rin ang nasa puso mo

Pawang kabutihan ang nais mo
Inalay mong pag-ibig ay ganap at husto
Sa landas ng pagbabago
Ako pa rin ang nasa puso mo

Pag-ibig mo sa akin ay magpakailanman
Ngayon ang simula ng walang katapusan
Hindi ka nagmamaliw,
Katapatan mo'y walang hanggan
Sa piling mo ako'y mananahan

Wagas ang kagandahan ng kalooban mo
Naglalarawan ng dakilang pag-ibig mo

Sa landas ng pagbabago
Ako pa rin ang nasa puso mo

Pag-ibig mo sa akin ay magpakailanman
Ngayon ang simula ng walang katapusan
Hindi ka nagmamaliw,
Katapatan mo'y walang hanggan
Sa piling mo ako'y mananahan

Ikaw na nga ang nais kong makasama
Pag-ibig na wagas magpakailanman
At kung sakali mundo man ay lumipas
Mga pangako mo'y 'di magwawakas

Pag-ibig mo sa akin ay magpakailanman
Ngayon ang simula ng walang katapusan
Hindi ka nagmamaliw,
Katapatan mo'y walang hanggan
Sa piling mo ako'y mananahan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pag-ibig Lyrics

Mariael De Leon – Pag-ibig Lyrics

More Mariael De Leon lyrics