Verse 1:
Sa paglipas ng panahon
Mga puso ng kabataa'y nakakahon
Sa takbo ng pagbabago,
Pagkabigo’t mga gulo
Mga unos na di naglaho

(Instrumental)

Verse 2:
‘Di alam kung saan pupunta
Pag-asa’y ‘di makita
Mga kabataan h’wag nang mag-alala
Dahil lagi Siyang kasama

Chorus:
Gawing busilak ang mga puso
Hayaan nating magningning nang husto
Dahil kung nadarama mo'y totoo
Tiyak na makikita si Kristo

Verse 3:
Sa ating paglilingkod sa Kanya
Masusuklian ito ng biyaya
Ngayo’y di na magdududa pa
Hindi na rin mangangamba

Pre-chorus:
‘Pagkat mga puso’y dama
Sa pag-ibig Mong dakila

Chorus:
Gawing busilak ang mga puso
Hayaan na magningning nang husto
Dahil kung nadarama’y totoo
Tiyak na makikita si Kristo

Bridge:
Sa bawat hakbang, bawat paggalaw
Sa bawat paghinga sa araw-araw
Laging isipin na may Dakila
Hatid ay wagas na biyaya

Sa bawat hakbang, bawat paggalaw
Sa bawat pagbangon sa araw-araw
Damhin ang pag-ibig ng ating D’yos
Ialay ang buong buhay ng lubos

Chorus(Transposed-A Capella)
Gawing busilak ang mga puso
Hayaan na magningning nang husto
Dahil kung nadarama’y totoo
Tiyak na makikita si Kristo

Final Chorus:
Gawing busilak ang mga puso
Hayaan na magningning nang husto
Dahil kung nadarama’y totoo
Tiyak na makikita si Kristo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Busilak Na Puso Lyrics

Marc Klein Dacer – Busilak Na Puso Lyrics

More Marc Klein Dacer lyrics