[Verse 1]
Magsimula ka, batiin ang kay gandang umaga
Ng may ngiti sa iyong mga mata
Sa pagkakaidlip gumising na
Ang buhay ay masaya
Palalagpasin mo ba

[Verse 2]
Magsimula ka, tuparin ang pangarap mong tunay
Habang ang lakas iyo pang taglay
Sa paghihintay baka masanay
Sayang naman ang buhay mawawalan ng saysay

[Chorus]
Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo
Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo

[Verse 3]
Magsimula ka, pilitin ang tuklasin ang hanap
Madanas man ang maraming hirap
Ang mithiin mo pag naging ganap
Langit ng pagsisikap iyo nang malalasap

(Repeat Chorus 2x)

Upang ito'y makamit mo
Magsikap ka, simulan mo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Magsimula Ka Lyrics

Leo Valdez – Magsimula Ka Lyrics

More Leo Valdez lyrics