Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
'Sindalas na rin ng dami ng bituin, waring walang-hanggan.
Dahil sa labi ko, lagi mararamdaman.
Kahit sandali halik mo'y dumampi, minsan.

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan?
Sa 'kiy 'sindalas ng walang wakas, saglit man magpisan.
Dahil sa ganoong paraan lang mag-iisa.
Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba?

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas,
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas.
Pagkukunwari itago man ay lalabas,
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas.

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang sa 'kiy para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas,
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas.
Pagkukunwari itago man ay lalabas,
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas.

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan?
Kahit minsan lang sa 'kiy para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay?
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?

Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Gaano Kadalas Ang Minsan Lyrics

La Diva – Gaano Kadalas Ang Minsan Lyrics

More La Diva lyrics