I
Ikaw ay aking nasaktan, nung nakita mo akong
Kasama siya, di ko alam, huling huli mo ako
Pinagsisihan ko, alam ko ngang mali ang nagawa
Di na mauulit, tumingin, lumapit sa iba

II
Pinipilit kong baguhin ang lahat
Sana naman ako'y bigyan mo nang isa pang pagkakataon
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa puso ko
At sana'y 'yong intindihin sigaw ng aking damdamin

Pre Chorus:
Inaamin ko ang aking pagkakamali
Dito sa puso ko ikaw pa rin ang aking mahal

Chorus:
Patawarin mo, nagkamali ang puso ko
Pangako ko sa yo di na mauulit pa Oh
Patawarin mo, dahil tao lang ako
Kahit mahirap tanggapin, ako sana ay muli mong mahalin

Repeat Pre Chorus/Chorus
CODA

Sana'y maniwala kang nagsisi na ako
Di ko sana hinayaang masaktan ang damdamin mo....
Ano pa ba ang kailangan kong gawin
Upang ako'y iyong patawarin at muli mong mahalin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Muli Mong Mahalin Lyrics

King – Muli Mong Mahalin Lyrics