Paulit ulit nangagawit ngunit pumapag asa pa
Umaawit ngunit sabi'y di mo ba napupuna?
Na pinapangarap ka, Ngiti't kislap ng 'yong mata
Masisi mo ba ako?

Kung tinamaan ka na pala, Maaalala mong mahirap mag isa
Naririnig mo ba?

Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan
Ngunit kahit ganito. Ulit parin tayo
Pagka't pag ibig ang sagot sa buong mundo

Pagod na pusong umaawit ngunit pumapag asa pa
Nag aantay ng matagal para sa tao na kaniyang minamahal
Nahihirapan ang bibig, pag rinig iyong tinig
Masisisi mo ba ako?

Kung tinamaan ka na pala, Maaalala mong mahirap mag isa
Naririnig mo ba?

Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan
Ngunit kahit ganito. Ulit parin tayo
Pagka't pag ibig ang sagot sa buong mundo

Ang pag ibig ay kanta may simula at tapos siya
Basta't tandaan mo na
Wag matakot sa bukas at manghinayang sa kahapon
Simulan mo na ngayon

Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan
Ngunit kahit ganito. Ulit parin tayo
Pagka't pag ibig (pag ibig)

Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan
At kung hindi maging kayo
Maniwala ka ng buo
Pagka't pag ibig ang sagot sa buong mundo
Pagka't pag ibig ang sagot sa buong mundo

Pag ibig ang sagot...
Sa buong mundo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pag-ibig Nga Naman Lyrics

Kilos – Pag-ibig Nga Naman Lyrics