Nais ko lang malaman mo na minamahal kita Ang puso kong tulog ay muli ginigising sinta Tanong ko lang sayo gusto mo din ba kaya ako? Ano kayang isasagot gusto kong malaman ito Sa puso ko nakatatak na ang isang katulad mo Hindi na to matatanggal pagkat ako’y sabik sayo Akala ko hindi ko magustuhan ang katulad mo pero

Masarap palang ibigin ang ang isang katulad mo Oh kay sarap namang isipin kung ikaw na at ako Nandito lang ako palage para sa iyo Ikaw ako ako ikaw sanay tayo ng dalawa Crush kita nung una pero ngayon mahal na kita Ano bang meron sayo diko nakita sa iba

Makita lang kita ang araw ko’y kompleto na At sa aking pagtulog lage kitang iniisip Hinahanap-hanap ka maging saking panaginip Ang sayang nadarama ay hindi na matumbasan Lalo kong ipadama tunay aking naramdaman

Na kahit malayo ka man ay di parin naging hadlang Ang distansya sa isa’t-isa sa puso ikaw lang

Kahit na ang pagtingin mo sakin ay kaibigan lang Ikaw parin mamahalin hindi ko isusuko ang Tapat kong nadarama at ang tunay ko na pag-ibig At sana’y mahalin mo ako at ika’y aking mapaibig
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

NM Mahal Kita Lyrics

Khrazybenz – NM Mahal Kita Lyrics