Langit ang makapiling ka
Awit sa hanging hindi para sa akin
Kahit saglit lang na makasama ka
Parang tumitigil ang oras sa palibot nating dalawa

Dumadalanging huwag munang matapos ang tamis
Ng pangarap sa tuwing makikita ka

Hindi ka hahayaang
Lumipas bawat sandali kapag kapiling ka
Hindi ka hahayaang
Lumipas bawat sandali kapag kapiling ka

Hindi magsasawang ibigin ka
Habang ako'y naririto sa tabi mo
Batid mo nga ba ang lahat ng ito
Sana kahit papaano'y nararamdaman mo

Dumadalanging huwag munang matapos ang tamis
Ng pangarap sa tuwing makikita ka

Hindi ka hahayaang
Lumipas bawat sandali kapag kapiling ka
Hindi ka hahayaang
Lumipas bawat sandali kapag kapiling ka

Maaaring mawala ang lahat
Ngunit hindi ang tulad mo sa isip ko
Maaaring mawala ang lahat
Ngunit hindi ang tulad mo sa isip ko
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

KKK (Kapag Kapiling Ka) Lyrics

Kastigo – KKK (Kapag Kapiling Ka) Lyrics

More Kastigo lyrics