Magdamag nag-aabang. Maglalaro kaya?
Ang dalagang nagtatago sa alyas na Maldita.
Sa dating tagpuan sa bayan ng Prontera
Sa tabi ng tindahan ng magic at sandata

Nung minsan nga ay nag-alay ka pa ng buhay mo
Nang kinalaban natin ang mga bagong dayo
Natalo na sila at nagyaya kang magsaya
Tanging hinihintay ang makita ka

Refrain:
Alas dos nung linggo (sa Gotesco)
Nagpolo pa ako (At nagpabango)
Nanabik habang (hinahanap ka)
Tumigil ang mundo (nang makita ka)

Chorus:
Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko na'ng sikreto mo
Chicksilog, ako ay nahulog
Nilinlang, niloko, alam ko na'ng sikreto mo

Walang saysay mag-level ang pantasya ay nasira na
Ang iniipong lakas naglaho parang bula
Kaya pala ang husay mo sa espada
Si Maldita ay lalake pala

Repeat Refrain
Repeat Chorus except last line

Chicksilog... Chicksilog... Chicksilog...
Sana ikaw ay mabugbog
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Chiksilog Lyrics

Kamikazee – Chiksilog Lyrics