Ilang oras pa lamang nang tayo’y nag kita
Sa’yong mga yakap agad nangungulila
Ikaw ang sigla na humapahaplos sa’king
Buhay pag nalulumbay

Ang ‘yong mga labi’y humahalimuyak
Pag nasisilayan parang ginto at pilak
Ikaw ang diwatang tumapak sa lupa
Na wala nang papantay

Tumatanaw sa’yo ang langit
Ang ‘yong ganda’y ka-akit akit
Pangarap ko’y ikaw…...

Dalangin ko ay mahagkan ka
Sa pag lipas ng panahon
Ang tinig mo’y parang agos ng sapa
Hinding hindi mag wawagas ang pag-ibig
……Mahal kita

Ang ‘yong mga mata’y
Kasing kulay ng punong mahinhin
Sumasabay sa agos ng hangin

Tumatanaw sa’yo ang langit
Ang ‘yong ganda’y ka-akit akit
Pangarap ko’y ikaw…...

Dalangin ko ay mahagkan ka
Sa pag lipas ng panahon
Ang tinig mo’y parang agos ng sapa
Hinding hindi mag wawagas ang pag-ibig
……Mahal kita
Mail  |  Print  |  Vote

Diwata Lyrics

Jireh Lim – Diwata Lyrics