Lupang laging pinaglalaban
Binansagang perlas ng silanganan
Buhay ang siyang kapalit
Sa kalayaang nakamit
Pag-ibig ko sa'yo'y di na mawawaglit

Kalayaan mo ay aming kayamanan
Mag mula ngayon at magpakailanman
Pagyamanin, idalangin, kasaganaay maangkin
Bawat hakbang Diyos ang kasama natin

Chorus:

Pilipinas ang bayan ko
Ipagmamalaki ko sa buong mundo
Hindi kita pababayaan
Lagi kang paglilingkuran
Ipagtatanggol sa mga mang-aapi
Ipaglalaban

Dito'y may maraming kayamanan
Sa puso mo't damdamin o isipan
Magandang makisama, marangal, mapagmahal
Mga mamamayan dito'y magalang

Iba't ibang wika at kultura
May Tagalog, Ilokano at Bisaya
May Muslim Waray Ilonggo, Tsabakano, Bikolano
Kapampangan at Panggalatok at katutubo ay nandito

Chorus2x

Mabuhay ka
Mabuhay ka
Mabuhay ka
Pilipinas!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pilipinas Lyrics

Jerome Suson – Pilipinas Lyrics