Jeremiah Erasquin - Tahanan lyrics | LyricsFreak
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tahanan Lyrics

Jeremiah Erasquin – Tahanan Lyrics

Ilang taon ba ang ating bibilangin?
Sa oras ba dapat sukatin?
O sa dami ng lakbay, sa daming 'binigay
O sa dami ba ng ating mga away?

Ilang yugto nga ba ang palilipasin?
Paulit-ulit, pabalik-balik
Nakakasawang pakinggan sa daming nagdaan
Mga sugat na napagtagumpayan

Kailanman, ikaw lamang mahal

Ilang kahon ba ang kailangang punuin?
Timba ng luha at damdamin
Multo ng nakaraan, 'di na dapat balikan
Mga puso nating sanay sa labanan

Kailanman, ikaw lamang mahal
Kailanman, ikaw ang babalik-balikan

Lumipas man ang bawat larawan
Lumabo man ang kinabukasan
Wala akong ibang patutunguhan
Iwanan man ng ating pangarap
Subukin man, tayo'y lalaban
Ikaw lamang ang akin tahanan
Tahanan
Share lyrics
×
Songwriters: Jeremiah Erasquin
Tahanan lyrics © O/B/O DistroKid

LyricFind
Lyrics term of use

Tahanan comments