Di masabi kung ano ang nasa isipan
Di malaman kung ano ang nararamdaman
Sa aking isip ang daming katanungan
Bakit mo ako biglang nilisan

Kay daming alaalang nagliliparan
Kaligayahang tila walang katapusan
Bakit ngayong gabi mag-isa sa higaan

Chorus
Maaari bang humiram
Isang gabi sa iyong tagiliran
Upang akin lang malaman
Dahilan ng iyong paglisan
Pagkat ngayong gabi ako’y luhaan

[repeat chorus]

Ito ba ay bunga ng kamalian
Pag-ibig ko nga ba’y nakulangan
Sana ngayong gabi ay iyong malaman
Sa puso mo sinta aking daungan

Maaari bang humiram
Isang gabi sa iyong tagiliran
Pagkat ngayong gabi ako’y luhaan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ngayong Gabi Lyrics